Ipapara Kita ng Bus!

Ipapara Kita ng Bus!

Habang ako ay palipat ng daan papuntang Rosario ay may isang traffic enforcer ang bumati sa akin. Wika niya, “Taga-Pandayan po kayo?” Sabi ko, “Opo.” Sabi ng traffic enforcer na “Regular customer ninyo ako sa Pandayan. Kilala ako ni Karen Olande. Lagi kaming bumibili ng ballpen at papel sa Pandayan Rosario! Maghintay ka lang. Ipapara kita ng bus!”
Napatingin ako sa sign sa likuran na “No Loading and Unloading.” Noong pinara ng traffic enforcer ang bus ay huminto ito at pinasakay ako. Napangiti ako at nagpasalamat sa traffic enforcer. Palipat kasi ako ng daan para sumakay ng bus sa terminal. Iba talaga kapag nakauniporme ng Pandayan. Napadali pa tuloy ang aking pagsakay sa bus.